271. Ang Ikatlong Pangangaral ni Pedro na Saksihan si Jesus bilang ang Kristo (Mga Gawa 5:29-32)

Mga Gawa 5:29 Ngunit sumagot si Pedro at ang mga apostol, “Kinakailangang sundin namin ang Diyos ng higit kaysa sa mga tao. 30 Ang Diyos ng aming mga ama ang bumuhay kay Jesus, na inyong pinatay sa pamamagitan ng pagbitin sa kaniya sa puno. 31 Tinaas siya ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang maging prinsipe at tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran sa mga kasalanan. 32 Mga saksi kami ng mga bagay na ito, at gayundin ang Banal na Espiritu, na ibinigay ng Diyos sa mga susunod sa kaniya.”