Rom 11:32-33, Job 11:7, Mt 13:35, Col 1:26-27,Mt 16:16-17, Jn 14:26, Jn 16:13

Ang karunungan ng Diyos ay akayin ang lahat kay Kristo. Gaano kaganda ang karunungan ng Diyos? (Rom 11:32-33, Job 11:7)

Rom 11:32 Sapagkat kinulong ng Diyos ang lahat sa kasuwayan, nang sa gayon maipakita niya ang awa sa lahat. 33 O, napakayaman ng Diyos sa karunungan at kaalaman! Hindi masuri ang kaniyang mga hatol, at ang kaniyang mga kaparaanan ay hindi kayang matuklasan!

Job 11:7 Maiintindihan mo ba ang Diyos sa pamamagitan ng paghahanap sa kania? Maaari mo bang mauunawaan ang Makapangyarihan nang lubusan?

Ang karunungan ng Diyos na nakatago bago pa itatag ang mundo ay si Kristo. ( Mat 13:35, Col 1:26-27 )

Mat 13:35 Ito ay upang magkatotoo ang mga nasabi sa pamamagitan ng mga propeta noong sinabi niyang, “Bubuksan ko ang aking bibig sa pamamagitan ng talinghaga, sasabihin ko ang mga bagay na naitago buhat nang itatag ang mundo.”

Col 1:26 Ito ang lihim na katotohanan na itinago sa panahon at sa mga salinlahi. Ngunit nahayag ito ngayon sa mga naniniwala sa kaniya. 27 Ito ay para sa kanila na nais ng Diyos na makaalam kung ano ang mga kayamanan ng maluwalhating lihim na ito ng katotohanan sa mga Gentil. Ito ay si Cristo na nasa inyo, ang pagtitiwala ng kaluwalhatian sa hinaharap.

Ipinakilala ng Diyos kay Pedro na si Hesus ay ang Kristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. ( Mat 16:16-17 )

Mat 16:16 Sumagot si Simon Pedro at sinabi, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos.” 17 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Pinagpala ka, Simon Bar Jonas, sapagkat ito ay hindi nahayag sa iyo ng laman o ng dugo, kundi ng aking Amang nasa langit.

Inihayag ng Diyos ang karunungan ng Diyos, si Kristo, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ipinapaunawa sa atin ng Banal na Espiritu na si Hesus ang Kristo. (1 Cor 2:7-10, Jn 14:26, Jn 16:13)

1 Cor 2:7 Sa halip nagsasalita kami ng karunungan ng Diyos sa lihim na katotohanan, ang lihim na karunungang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga panahon para sa ating kaluwalhatian. 8 Wala sa mga namumuno sa panahong ito ang nakakaalam ng ganitong karunungan, sapagkat kung naunawaan lang sana nila ito sa panahong iyon, hindi na sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. 9 Ngunit gaya ng nasusulat, “Mga bagay na hindi nakita ng mata, na hindi narinig ng tainga, na hindi sumagi sa isipan, ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kaniya.”

Jn 14:26 Subalit, ang Manga-aliw na ang Banal na Espiritu na ipapadala ng Ama sa aking pangalan ay magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay at magpapaalala ng lahat ng aking sinabi sa inyo.

Jn 16:13 Subalit, kapag siya na Espiritu ng Katotohanan ay dumating, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan: dahil hindi siya magsasalita mula sa kaniyang sarili, ngunit anumang mga bagay ang naririnig niya, sasabihin niya ang mga ito, at ihahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.