1 Cor 6:19-20, 1 Thess 4:3-5, 2 Cor 5:15

Ang ating mga katawan ay mga templo ng Banal na Espiritu. Kaya dapat tayong mamuhay ng isang buhay na lumuluwalhati sa Diyos. ( 1 Cor 6:13-15, 19-20, 1 Thess 4:3-5 )

1 Cor 6:13 “Para sa tiyan ang pagkain, at ang tiyan ay para sa pagkain,” ngunit kapwa wawasakin ng Diyos ang mga ito. Hindi ginawa ang katawan para sa gawaing mahahalay. Sa halip, ang katawan ay para sa Diyos, at ang Panginoon ang magkakaloob para sa katawan. 14 Binuhay ng Diyos ang Panginoon at siya din ang bubuhay sa atin sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. 15 Hindi ba ninyo alam na ang inyong mga katawan ay mga bahagi ni Cristo? Maaari ko bang kunin ang mga bahagi ni Cristo at isama sa mga nagbebenta ng aliw? Hindi ito maaari!
19 Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Banal na Espiritu, na siyang namumuhay sa inyo, na inyong tinanggap mula sa Diyos? Hindi ba ninyo alam na hindi na ninyo pag-aari ang inyong sarili? 20 Sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya, luwalhatiin ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng inyong katawan.

1 Thess 4:3 Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos: ang inyong pagpapakabanal—umiwas kayo sa kahalayan, 4 na bawat isa sa inyo ay alam kung paano makitungo sa kaniyang asawa ng may kabanalan at karangalan. 5 Huwag kayong mag-asawa sa kahalayan ng laman (gaya ng mga Gentil na di nakakakilala sa Diyos).

Tayo ay naligtas upang tayo ay mabuhay para kay Kristo. (2 Cor 5:15)

2 Cor 5:15 At namatay si Cristo para sa lahat, upang ang mga nabubuhay ay hindi na mamuhay para sa kanilang mga sarili. Sa halip dapat silang mamuhay para sa kaniya na namatay at muling nabuhay.