Jn 3:16, Mt 20:28, 1 Tim 2:5-6, Heb 10:9-10

Gal 1:4 na nagbigay ng kaniyang sarili alang-alang sa ating mga kasalanan upang mailigtas niya tayo sa kasalukuyang makasalanang panahon, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama.

Jn 3:16 Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Mt 20:28 Katulad ng Anak ng Tao hindi siya naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang pangtubos sa marami.

1 Tim 2:5 Sapagkat may iisang Diyos at iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, ang taong si Cristo Jesus. 6 Ibinigay niya ang kaniyang sarili bilang katubusan sa lahat, bilang patotoo sa tamang panahon.

Heb 10:9 At sinabi niya, “masdan mo, ako ay narito upang gawin ang iyong kalooban.” Isinantabi niya ang unang kaugalian upang maitatag ang pangalawa. 10 Sa pangalawang kaugalian, tayo ay naihandog sa Diyos sa kaniyang kalooban at sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Jesu-Cristo ng minsan para sa lahat.