Rom 8:1-2, Rom 6:14, Rom 6:4,6-7, 14 , Rom 8:3-4, 10, Rom 14:7-9, 2 Cor 5:15

Tayo ay pinalaya mula sa batas ng kasalanan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu kay Jesu-Kristo. Ngayon hindi natin sinusunod ang batas, ngunit sinusunod natin ang Espiritu upang matupad ang batas. (Rom 8:1-4)

Rom 8:1 Kung gayon, wala ng paghatol sa mga taong na kay Cristo Jesus. 2 Sapagkat pinalaya ako ng tuntunin ng Espiritu ng buhay na nakay Cristo Jesus mula sa tuntunin ng kasalanan at kamatayan. 3 Sapagkat kung ano ang hindi kayang gawin ng kautusan dahil mahina ito sa pamamagitan ng laman ay ginawa ng Diyos. Isinugo niya ang kaniyang sariling Anak na kawangis ng makasalanang laman para maging isang handog sa kasalanan, at hinatulan niya ang kasalanan sa laman. 4 Ginawa niya ito upang sa gayon ang mga hinihingi ng kautusan ay matupad sa atin, tayong mga hindi lumalakad ayon sa laman, ngunit ayon sa Espiritu.

Ngayon hindi tayo nabubuhay upang sundin ang batas, ngunit nabubuhay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus bilang ang Kristo. (Gal 2:20, Rom 6:4,6-7,14, Rom 7:4)

Gal 2:20 Naipako na ako sa krus kasama ni Cristo. Hindi na ako ang nabubuhay, ngunit si Cristo na ang nabubuhay sa akin, at ang buhay ngayon na aking ikinabubuhay sa laman, ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na nagmamahal sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.

Rom 6:4 Inilibing na tayo kasama niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan. Nangyari ito upang gaya ng pagkabuhay ni Cristo mula sa patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, lalakad din tayo sa panibagong buhay.
6 Nalalaman natin ito, na ang dati nating pagkatao ay ipinako sa krus kasama niya, upang sa gayon ay masira ang ating katawang makasalanan. Nangyari ito upang hindi na tayo maging alipin pa ng kasalanan. 7 Siya na namatay ay inihayag na matuwid hinggil sa kasalanan.
14 Huwag ninyong hayaan na pagharian kayo ng kasalanan. Sapagkat wala na kayo sa ilalim ng kautusan ngunit sa ilalim ng biyaya.

Rom 7:4 Kaya, aking mga kapatid, naging patay kayo sa batas sa pamamagitan ng katawan ni Cristo. Ito ay upang maaari kayong makisama sa iba, iyan ay, sa kaniya na binuhay mula sa patay, upang sa gayon maaari tayong magsipagbunga para sa Diyos.

Nabubuhay tayo para kay Kristo. (Rom 14:7-9, 2 Cor 5:15)

Rom 14:7 Sapagkat wala sa atin ang nabubuhay para sa kaniyang sarili, at walang namamatay para sa kaniyang sarili. 8 Sapagkat kung tayo ay nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon. At kung tayo ay mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya kung tayo man ay mamamatay o mabubuhay, tayo ay sa Panginoon. 9 Dahil sa layuning ito namatay si Cristo at nabuhay muli, upang siya ay maging Panginoon ng mga patay at mga buhay.

2 Cor 5:15 At namatay si Cristo para sa lahat, upang ang mga nabubuhay ay hindi na mamuhay para sa kanilang mga sarili. Sa halip dapat silang mamuhay para sa kaniya na namatay at muling nabuhay.