1 Jn 5:1, Jn 1:12, Rom 8:15-16

Sa paniniwalang si Jesus ang Kristo, ang Espiritu Santo ay pumasok sa ating mga puso. Kaya tinatawag natin ang Diyos na ating Ama. Tumatanggap din tayo ng mana mula sa Diyos.

Gal 4:6 Dahil kayo ay mga anak, ipinadala ng Diyos ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, ang Espiritu na tumatawag ng, “Abba, Ama.” 7 Sa kadahilanang ito, hindi na kayo mga alipin kundi mga anak. Kung kayo ay mga anak, kaya kayo rin ay tagapagmana sa pamamagitan ng Diyos.

1 Jn 5:1 Kung sinuman ang naniniwala na si Jesus ay ang Cristo na ipinanganak sa Diyos. At kung sinuman ang nagmamahal sa kanya na nagmula sa Ama ay minamahal din ang kanyang mga anak.

Jn 1:12 Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos,

Rom 8:15 Sapagkat hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkabihag upang matakot. Sa halip, natanggap natin ang espiritu ng pagkupkop, na kung saan sumisigaw tayo ng, “Abba, Ama!” 16 Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ang ating espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos.