Ezk 36:27, Gawa 5:30-32, 2 Cor 1:21-22

Ipinropesiya sa Lumang Tipan na ibibigay sa atin ng Diyos ang Banal na Espiritu upang sundin ang batas ng Diyos. ( Ezk 36:27 )

Ezk 36:27 Ilalagay ko ang aking Espiritu sa inyo at palalakarin ko kayo sa aking mga kautusan at inyong iingatan ang aking mga utos, upang magawa ninyo ang mga ito.

Kapag narinig natin na si Jesus ay ang Kristo at naniniwala sa Kanya bilang ang Kristo, ang Banal na Espiritu ay sumasa atin. (Gawa 5:30-32, Efe 1:13, 2 Cor 1:20-22)

Gawa 5:30 Ang Diyos ng aming mga ama ang bumuhay kay Jesus, na inyong pinatay sa pamamagitan ng pagbitin sa kaniya sa puno. 31 Tinaas siya ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang maging prinsipe at tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran sa mga kasalanan. 32 Mga saksi kami ng mga bagay na ito, at gayundin ang Banal na Espiritu, na ibinigay ng Diyos sa mga susunod sa kaniya.”

Efe 1:13 Dahil kay Cristo kaya napakinggan din ninyo ang salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo. Dahil sa kaniya kayo rin ay nanampalataya at tinatakan sa pinangakong Banal na Espiritu.

2 Cor 1:20 Dahil ang lahat ng mga pangako ng Diyos ay “Oo” sa kaniya. Kaya sa pamamagitan din niya, magsasabi tayo ng “Amen” sa kaluwalhatian ng Diyos. 21 Ngayon ang Diyos na nagpatibay sa amin at sa inyo kay Cristo, at kaniya tayong sinugo. 22 Nilagay niya ang kaniyang tatak sa atin at ibinigay ang Espiritu sa ating mga puso bilang katiyakan sa kung ano ang ibibigay niya sa atin pagkatapos.