Jn 1:14, Rom 1:3, 1 Jn 1:1-2, Col 1:23, Mc 16:19, Gawa 1:8-9

Si Kristo ay nakatago at nahayag sa atin sa laman. (1 Tim 3:16, Jn 1:14, Rom 1:3, 1 Jn 1:1-2)

1 Tim 3:16 At hindi maikakaila na ang katotohanang inihayag ng pagkamaka-diyos ay dakila: “Nagpakita siya sa laman, pinatunayang matuwid ng Espiritu, nakita ng mga anghel, ipinahayag sa mga bansa, pinaniwalaan sa mundo, at itinaas sa kaluwalhatian.”

Jn 1:14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.

Rom 1:3 Ito ay tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak mula sa kaapu-apuhan ni David ayon sa laman.

1 Jn 1:1 Na kung alinman mula sa simula- na aming narinig, na nakita ng aming mga mata, na aming natunghayan, at nahawakan ng aming mga kamay-patungkol sa Salita ng buhay. 2 At ang buhay ay nagawang ipaalam, at aming nakita, at nasaksihan, at hinayag sa inyo ang buhay na walang hanggan, na noon ay kasama ng Ama, at nagawang ipaalam sa amin.

Ang ebanghelyo na si Jesus ang Kristo ay ipangangaral na sa lahat ng bansa. ( Col 1:23, Gawa 1:8 )

Col 1:23 kung kayo ay nagpapatuloy sa pananampalataya, matatag at matibay, hindi napapakilos palayo mula sa tiyak na inaasahan ng ebanghelyo na inyong narinig. Ito ang ebanghelyo na naipahayag sa bawat tao sa ilalim ng langit. Ito ang ebanghelyo kung saan, akong si Pablo ay naging isang lingkod.

Gawa 1:8 Ngunit makakatanggap kayo ng kapangyarihan, kapag sumainyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging saksi ko sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa mga dulo ng mundo.”

Si Hesus, ang Kristo, ay umakyat sa langit. (Mc 16:19, Gawa 1:9)

Mc 16:19 Matapos magsalita sa kanila ang Panginoon, iniakyat siya patungo sa langit at naupo sa kanang kamay ng Diyos.

Gawa 1:9 Nang sabihin ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito, habang nakatingala sila, siya ay itinaas, at itinago siya ng ulap mula sa kanilang mga mata.