Gawa 5:42, Gawa 8:34-35, Gawa 17:2-3

Sa Lumang Tipan, itinuro ng eskriba na si Ezra sa mga Israelita ang batas ng Diyos. ( Ezra 7:6, 10 )

Ezra 7:6 Umalis si Ezra mula sa Babilonia. Isa siyang dalubhasang eskriba sa batas ni Moises na ibinigay ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ibinigay ng hari sa kaniya ang kahit anong bagay na kaniyang hingin yamang ang kamay ni Yahweh ay kasama niya.
10 Pinatatag ni Ezra ang kaniyang puso sa pag-aaral, sa pagsasagawa, at pagtuturo sa mga alituntunin at mga utos ng batas ni Yahweh.

Sa unang simbahan, ang mga naniniwala na si Jesus ang Kristo ay nagturo at nangaral na si Jesus ay ang Kristo, maging sa templo o sa tahanan. (Gawa 5:42)

Gawa 5:42 Pagkatapos noon araw-araw sa templo at sa bawat bahay, sila ay patuloy na nagtuturo at ipinapangaral si Jesus bilang Cristo.

Ipinaliwanag ni Felipe ang Lumang Tipan sa bating na taga-Etiopia at itinuro na si Jesus ang Kristo. ( Gawa 8:34-35 )

Gawa 8:34 Kaya nagtanongang eunoko kay Felipe, at sinabi, “Nakikiusap ako sa iyo sino ang tinutukoy ng propeta? ang kaniyang sarili ba mismo o ibang tao?” 35 Nagsimulang magsalita si Felipe; Nagsimula siya sa kasulatan ni Isaias upang ipangaral si Jesus sa kaniya.

Binuksan ni Pablo ang Lumang Tipan at ipinahayag na si Jesus ang Kristo. ( Gawa 17:2-3 )

Gawa 17:2 Tulad ng nakagawian ni Pablo, pumunta siya sa kanila, at sa tatlong araw ng sabbath ay nangatwiran sa kanila mula sa mga kasulatan. 3 Binubuksan niya ang mga kasulatan at nagpapaliwanag na kinakailangan ng Cristo na magdusa at muling mabuhay mula sa mga patay. Sinabi niya, “Itong si Jesus na aking ipinapahayag sa inyo ay ang Cristo.”