Aw 51:5, Rom 3:23, Rom 5:12, Efe 2:1-3

Lahat ng tao ay ipinanganak sa kasalanan. (Job 14:1-4, Awit 51:5)

Job 14:1 Ang mga tao, na ipinanganak ng babae, na nabubuhay ng kaunting araw at puno ng kaguluhan. 2 Umuusbong siya mula sa lupa tulad ng isang bulaklak at pinuputol; tumatakas siya tulad ng isang anino at hindi nagtatagal. 3 Tumitingin ka ba alinman sa mga ito? Dinadala mo ba ako sa paghatol kasama mo? 4 Sinong magdadala ng mga bagay na malinis mula sa mga bagay na marumi? Walang sinuman.

Awit 51:5 Masdan mo, ako ay isinilang sa malaking kasalanan; nang ipinagdadalang-tao ako ng aking ina, ako ay naroon na sa kasalanan.

Ang bawat tao’y makasalanan at gumagawa ng mga kasalanan. (Roma 3:23, Roma 5:12, Efeso 2:1-3)

Roma 3:23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.

Roma 5:12 Kung gayon, sa pamamagitan ng isang tao pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, sa ganitong kapamaraanan pumasok ang kamatayan dahil sa kasalanan. At lumaganap ang kamatayan sa sangkatauhan, dahil nagkasala ang lahat.

Efeso 2:1 Para sa inyo, kayo ay mga patay sa inyong mga pagkakasala at mga kasalanan. 2 Sa ganito rin kayo minsang lumakad ayon sa panahon ng mundong ito. Lumalakad kayo ayon sa kapangyarihan ng namumuno sa hangin. Ito ang kaniyang espiritu na gumagawa sa mga anak ng pagsuway. 3 Tayong lahat ay minsan ding naging katulad ng mga hindi mananampalataya. Gumagawa tayo ayon sa mga masasamang nasa ng ating laman. Ginagawa natin ang kagustuhan ng laman at ng isip. Likas tayong mga anak ng poot katulad ng iba.