1 Tim 2:5, 1 Jn 2:1-2, Heb 8:6, Heb 9:15, Heb 12:24, Mt 21:9, Mc 11:9-10

Sa Lumang Tipan, alam ni Job na ang ating Manunubos ay darating sa mundong ito. ( Job 19:25 )

Job 19:25 Pero para sa akin, alam ko na nabubuhay ang aking Manunubos, at balang araw ay tatayo siya sa daigdig;

Si Jesus ay naging kabayaran para sa ating mga kasalanan at tinubos tayo. (1 Juan 2:1-2, Hebreo 12:24)

1 Juan 2:1 Mga minamahal kong anak, isinusulat ko ang mga bagay na ito sa inyo upang hindi kayo magkasala. Pero kung sino man ang magkasala, mayroon tayong tagapagtanggol sa Ama, Si Jesu-Cristo ang nag-iisang makatuwiran. 2 Siya ang taga-pamayapa para sa ating mga kasalanan, at hindi lang para sa atin, kundi para din sa buong mundo.

Hebreo 12:24 Kayo ay lumapit kay Jesus na tagapamagitan ng isang bagong tipan, at sa dugong naikalat na higit na nagsasalita ng mabuti kaysa sa dugo ni Abel.

Si Hesus ang Kristo na tumubos sa atin. (Hebreo 9:15, 1 Timoteo 2:5, Hebreo 8:6)

Hebreo 9:15 Sa kadahilanang ito, si Cristo ang tagapamagitan ng bagong tipan. Ito ay dahil may isang kamatayan na nangyari upang palayain ang mga napapasailalim sa lumang tipan mula sa kabayaran ng kanilang mga kasalanan, sa gayon ang lahat ng mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang pamana na kaniyang ipinangako.

1 Timoteo 2:5 Sapagkat may iisang Diyos at iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, ang taong si Cristo Jesus.

Hebreo 8:6 Ngunit ngayon tinanggap ni Cristo ang isang mas mataaas na paglilingkod dahil siya din ang tagapamagitan ng mas mainam na tipan, na itinatag sa mas mainam na mga pangako.