Mt 3:17, Mc 1:11, Lc 3:22, Mt 17:5, Gawa 13:33, Heb 1:5, Heb 5:5

Sa Lumang Tipan, ipinropesiya na ibibigay ng Diyos sa Kanyang Anak ang mga bansang tagapagmana at pupuksain ang lahat ng mga bansa. ( Awit 2:7-9 )

Awit 2:7-9

Si Jesus ay ang Anak ng Diyos. (Mateo 3:17, Marcos 1:11, Lucas 3:22, Matt 17:5)

Mateo 3:17 Masdan ito, may isang tinig na mula sa mga langit na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Lubos akong nalulugod sa kaniya.”

Marcos 1:11 At isang tinig ang nagmula sa langit, “Ikaw ang minamahal kong Anak. Ako ay labis na nalulugod sa iyo.”

Lucas 3:22 Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya na may anyo na gaya ng kalapati, habang may isang tinig ang nanggaling sa langit, “Ikaw ang aking minamahal na Anak. Lubos akong nalulugod sa Iyo.”

Matt 17:5 Habang siya ay nagsasalita pa, masdan ito, isang nakakasilaw na ulap ang lumilim sa kanila, at masdan ito, may isang tinig na mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Makinig kayo sa kaniya.”

Pinatunayan ni Pablo na si Jesus ay ang Anak ng Diyos na ipinropesiya sa Awit 2. (Mga Gawa 13:33)

Mga Gawa 13:33 Iningatan ng Diyos ang mga pangakong ito sa atin na kanilang mga anak, na kung saan binuhay niya si Jesus mula sa mga patay. Ito din ang naisulat sa ikalawang awit: ‘Ikaw ang aking Anak, at ngayon ako ay iyong magiging Ama.’

Pinatunayan ng manunulat ng Hebreo na si Jesus ang Anak ng Diyos. (Heb 1:5, Heb 5:5)

Heb 1:5 Sapagkat sino sa mga anghel ang pinagsabihan niya kailanman ng, “Ikaw ay aking anak, ngayon ako ay naging iyong ama?” At muli, “Ako’y magiging ama sa kaniya, at siya ay magiging anak sa akin”?

Heb 5:5 Maging si Cristo ay hindi pinarangalan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglalagay sa kaniyang sarili bilang pinakapunong- pari. Sa halip ay sinabi ng Diyos sa kaniya, ”Ikaw ay aking Anak, ngayong araw na ito ako ay naging iyong Ama.”