1 Jn 5:11-13, Pahayag 3:20

Sinasabi ng kasabihan sa Lumang Tipan na ang nakakahanap ng karunungan ay nakasumpong ng buhay. ( Kawikaan 8:34-35 )

Kawikaan 8:34 Ang siyang nakikinig sa akin ay magiging masaya — nagmamasid bawat araw sa aking mga tarangkahan, naghihintay sa akin sa tabi ng mga pintuan ng aking tahanan. 35 Dahil ang sinumang nakakatagpo sa akin ay nakakatagpo ng buhay, at matatagpuan niya ang kagandahang loob ni Yahweh.

Ang mga naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo ay may buhay na walang hanggan. ( 1 Juan 5:11-13 )

1 Juan 5:11 At ang patotoo ay ito- na tayo ay binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak. 12 Siya na pinananahanan ng Anak ay may buhay. Siya na hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos ay walang buhay. 13 Ang mga bagay na ito ay sinulat ko sa inyo para malaman ninyo na mayroon kayong buhay na walang hanggan-sa inyo na naniniwala sa pangalan ng Anak ng Diyos.

Ngayon si Jesus ay kumakatok sa pintuan ng mga puso ng mga tao. Ang mga tumatanggap kay Hesus bilang ang Kristo ay may buhay. (Pahayag 3:20, Juan 1:12)

Pahayag 3:20 Tingnan ninyo, ako ay nakatayo sa may pinto at kumakatok. Kung sinuman ang nakaririnig sa aking tinig at nagbubukas ng pinto, papasok ako sa kaniyang tahanan at kakain kasama niya, at siya sa akin.

Juan 1:12 Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos,