Mat 22:1-4, Pahayag 19:7-9

Sinasabi ng kasabihan sa Lumang Tipan na ang karunungan ay naghahanda ng isang piging at nag-aanyaya sa mga hindi marunong. ( Kawikaan 9:1-6 )

Kawikaan 9:1 Ang karunungan ay nagtayo ng kaniyang tahanan; nag-ukit siya ng pitong mga poste mula sa bato. 2 Hinanda niya ang mga karne niya para ihain sa hapunan; hinalo niya ang kaniyang alak; at inihanda niya ang kaniyang hapag-kainan. 3 Nagpadala siya ng mga paanyaya kasama ang mga lingkod niyang babae at tumatawag siya mula sa pinakamataas na dako ng lungsod: 4 “Hayaan ang mga hindi naturuan na lumapit dito!” sinasabi niya roon sa mga walang alam. 5 “Lumapit kayo, kainin ninyo ang aking pagkain, at inumin ang alak na aking hinalo. 6 Iwanan na ninyo ang mga kaparaanan ng kamangmangan upang kayo ay mabuhay; lumakad sa daan ng pang-unawa.

Inihambing ni Jesus ang kanyang kaharian sa isang hari na nagbigay ng piging sa kasalan para sa kanyang anak. ( Mat 22:1-4 )

Mat 22:1 At muling nagsalita si Jesus sa kanila ng isang talinghaga, at nagsabi, 2 “Ang kaharian ng langit ay katulad sa isang hari na naghanda ng salu-salo sa kasal ng kaniyang anak na lalaki. 3 Sinugo niya ang kaniyang mga utusan na tawagin ang mga naanyayahan sa salu-salo sa kasal, subalit ayaw nilang pumunta. 4 At muling nagsugo ang hari ng iba pang mga utusan, na nagsabing, ‘Sabihin sa mga naanyayahan, “Tingnan ninyo, naihanda ko na ang aking hapunan. Ang aking mga baka at pinatabang mga batang baka ay nakatay na, at ang lahat ay nakahanda na. Pumunta kayo sa salu-salo sa kasal.’

Inanyayahan tayo ng Diyos sa piging ng kasalan ni Hesus, ang Kordero ng Diyos. (Pahayag 19:7-9)

Pahayag 19:7 Magalak tayo at maging napakasaya at bigyan siya ng kaluwalhatian dahil ang pagdiriwang ng kasalan ng Kordero ay darating, at ang babaing kaniyang papakasalan ay inihanda ang kaniyang sarili. 8 Siya ay pinahintulutang magsuot ng maliwanag at malinis na pinong lino (dahil ang pinong lino ay mga gawaing matutuwid ng mga mananampalataya). 9 Sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: Pinagpala ang mga inanyayahan sa pagdiriwang ng kasalan sa Kordero.” Sinabi rin niya sa akin, “Ito ang tunay na mga salita ng Diyos.