Jn 10:11,14-15, Col 2:2-3

Sa Lumang Tipan, itinuro ng anak ni David sa mga tao ang mga salita ng karunungan na natanggap niya mula sa isang pastol. ( Mangangaral 12:9-11 )

Mangangaral 12:9 Ang Mangangaral ay matalino, at tinuruan niya ang mga tao nang kaalaman. Inaral, inisip at iniayos niya ang maraming kawikaan. 10 Hinangad ng Mangangaral na magsulat ng mga malinaw at tuwid na mga salita nang katotohanan. 11 Ang mga salita ng mga matatalinong tao ay parang mga panusok. Gaya ng mga pako na ibinaon nang malalim ang mga salita ng mga dalubhasa sa maraming mga kawikaan na itinuro ng isang pastol.

Si Hesus ang tunay na Pastol na nagbuwis ng kanyang buhay para iligtas tayo. (Juan 10:11,14-15)

Juan 10:11 Ako ang mabuting pastol. Inialay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa.
14 Ako ang mabuting pastol, at kilala ko ang sa akin, at ang sa akin ay nakikilala ako. 15 Kilala ako ng Ama, at kilala ko ang Ama, at ibinigay ko ang aking buhay para sa mga tupa.

Si Hesus ang Kristo, ang misteryo ng Diyos at ang karunungan ng Diyos. (Col 2:2-3)

Col 2:2 Gumagawa ako upang mapalakas ko ang kanilang kalooban sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa pagmamahal at sa lahat ng kayamanan ng buong katiyakan ng pang-unawa, sa kaalaman tungkol sa lihim na katotohanan ng Diyos, na si Cristo. 3 Sa kaniya ay nakatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman.