Mt 21:12-13, Mc 11:17, Lc 19:46

Sa Lumang Tipan, naniniwala ang mga Israelita na kahit na magkasala sila sa Diyos, maliligtas sila kung papasok sila sa templo. (Jeremias 7:9-11)

Jeremias 7:9 Nagnakaw ba kayo, pumatay at nangalunya? At nangako ba kayo nang may panlilinlang at nag-alay ng insenso kay Baal at sumunod sa iba pang mga diyos na hindi ninyo kilala? 10 Kung gayon, pumunta ba kayo at tumayo sa aking harapan sa tahanang ito kung saan inihayag ang aking pangalan at sinabi, “Naligtas kami,” kaya magagawa ninyo ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay na ito? 11 Ang tahanan bang ito na nagtataglay ng aking pangalan ay isang kuta ng mga magnanakaw sa inyong paningin? Ngunit masdan ninyo, nakita ko ito. Ito ang pahayag ni Yahweh.’

Pinalayas ni Jesus ang mga Judio sa templo dahil ginawa nila itong yungib ng mga tulisan. (Mateo 21:12-13, Marcos 11:17, Lucas 19:46)

Mateo 21:12 Pumasok si Jesus sa templo ng Diyos. At pinaalis palabas ang lahat ng mga namili at nagbebenta sa templo. At pinagbubuwal din niya ang mga mesa ng mga mamamalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng mga kalapati. 13 Sinabi niya sa kanila, “Ito ay nasusulat, ‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-panalanginan,’ ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”

Marcos 11:17 Tinuruan niya sila at sinabi, “Hindi ba nasusulat na, ‘Ang aking tahanan ay tatawaging Bahay ng Panalangin para sa lahat ng mga bansa’? Ngunit ginawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw.”

Lucas 19:46 sinasabi sa kanila, “Nasusulat, ‘Ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan,’ ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”