Dan 2:44-45, Mt 21:44, Lc 20:17-18, 1 Cor 15:24, Pahayag 11:15

Sa Lumang Tipan, nakita ni Daniel sa isang pangitain na ang isang tinabas na bato ay sisira sa lahat ng mga diyus-diyosan at pupunuin ang buong mundo. (Dan 2:34-35,44-45)

Dan 2:34 Tumingala ka, at natibag ang isang bato, bagaman hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao, at tumama ito sa bakal at putik na paa ng imahen at nabasag nila ito. 35 At magkakasabay na nabasag ang bakal, putik, tanso, pilak at ginto nang pira-piraso at naging parang dayami sa giikan sa tag-araw. Tinangay sila ng hangin palayo at walang naiwang bakas sa kanila. Ngunit ang batong tumama sa imahen ay naging malaking bundok at pinuno nito ang buong mundo.
44 Sa mga panahon ng mga haring iyon, magtatayo ang Diyos ng langit ng kaharian na hindi kailanman mawawasak, ni masasakop ng ibang mga tao. Dudurugin nito ang ibang mga kaharian nang pira-piraso at maglalagay ng wakas sa kanilang lahat at mananatili ito magpakailanman. 45 Gaya ng iyong nakita, isang batong natibag sa bundok, ngunit hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao. Dinurog nito ang bakal, tanso, putik, pilak at ginto nang pira-piraso. Ipinaalam sa iyo ng dakilang Diyos, hari, ang mangyayari pagkatapos nito. Ang panaginip ay totoo at ang pagpapaliwanag na ito ay maaasahan.”

Sinabi rin ni Hesus na ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay makakasira sa lahat ng awtoridad gaya ng nakatala sa Lumang Tipan. ( Mateo 21:44, Lucas 20:17-18 )

Mateo 21:44 Ang sinumang babagsak sa batong ito ay mababasag ng pirapiraso. At kung kanino man ito babagsak, madudurog siya.”

Lucas 20:17 Ngunit tumingin si Jesus sa kanila at sinabi, “Ano ang kahulugan ng kasulatang ito? ‘Ang bato na tinanggihan ng mga gumagawa ng gusali, ay ginawang batong panuluk’? 18 Ang bawat isa na babagsak sa batong iyon ay magkakadurog-durog. Ngunit kung sinuman ang mabagsakan ng batong ito ay madudurog.”

Si Jesus ang Kristo na sumira sa lahat ng pamunuan at lahat ng awtoridad at kapangyarihan. ( 1 Corinto 15:24 )

1 Corinto 15:24 Pagkatapos darating ang wakas, kapag nailipat na ni Cristo ang kaharian sa Diyos Ama. Ito ay kapag kaniyang binuwag na ang lahat ng paghahari at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.

Sa pagbabalik ni Hesus, hahatulan Niya ang mundo at maghahari magpakailanman. (Pahayag 11:15)

Pahayag 11:15 Pagkatapos pinatunog ng ika-pitong anghel ang kaniyang trumpeta, at malalakas na tinig ang nagsalita sa langit at sinabing, “Ang kaharian ng mundo ay magiging kaharian na ng ating Panginoon at ng kaniyang Cristo. Siya ay maghahari magpakailan pa man.”