Dan 11:31, Dan 12:11, Mt 24:15-28, 2 Thess 2:1-8

Sa Lumang Tipan, binanggit ng Diyos ang mga bagay na mangyayari sa mga huling araw. (Dan 9:27, Dan 11:31, Dan 12:11)

Dan 9:27 Pagtitibayin niya ang isang kasunduan sa marami sa loob ng isang pito. Sa kalagitnaan ng pito wawakasan niya ang pag-aalay at ang paghahandog. Sa pakpak ng mga kasuklam-suklam darating ang isang tao na siyang gagawa ng pagkasira. Isang ganap na pagwawakas at pagkawasak ang itinakdang ibubuhos sa gumawa ng pagkasira.”

Dan 11:31 Lilitaw ang kaniyang mga hukbo at lalapastanganin ang santuwaryo at ang kutang tanggulan; kukunin nila ang mga karaniwang handog na susunugin at magsisimula sila ng pagkasuklam na magiging sanhi ng ganap na pagkawasak.

Dan 12:11 Mula sa panahong inalis ang karaniwang handog na susunugin at ang pagkasuklam na sanhi ng ganap na pagkawasak ay handa na, magkakaroon ng 1, 290 na mga araw.

Sinabi ni Jesus na magkakaroon ng malaking kapighatian kapag ang kasuklam-suklam na pagkawasak na ipinropesiya sa aklat ni Daniel ay nakitang nakatayo sa banal na lugar, at ang mga huwad na Kristo at mga huwad na propeta ay babangon at linlangin ang mga hinirang. ( Mateo 24:15-28 )

Mateo 24:15 Kaya, kapag makita na ninyo ang kasuklamsuklam na kalagiman, na sinabi ng propetang si Daniel, na nakatayo na sa banal na lugar (unawain ito ng nagbabasa), 16 kailangang tumakas silang mga nasa Judea patungo sa kabundukan, 17 iyong nasa taas ng kanilang bahay huwag nang bumaba upang kumuha ng anumang nasa bahay, 18 at iyong nasa bukid huwag nang bumalik upang kumuha ng kaniyang balabal. 19 Ngunit aba sila na mga nagdadalang tao at ang mga nagpapasuso ng mga anak nila sa panahong iyon! 20 Ipanalangin ninyo na ang pagtatakas ninyo ay hindi mangyari sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21 Sapagkat magkaroon ng matinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula pa sa simula ng mundo hanggang ngayon, hindi, hindi na muling mangyayari kailanpaman. 22 Maliban na lamang kung paiikliin ang mga araw na iyon, wala ni isa mang laman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, ang mga araw na iyon ay paiikliin. 23 Kaya kung mayroong magsasabi sa inyo na, ”Tingnan ninyo, narito ang Cristo!’ o ‘Nariyan ang Cristo!’ huwag ninyong paniwalaan. 24 Sapagkat darating ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta at magpapakita ng kahanga-hangang palatandaan at kababalaghan, upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang. 25 Tingnan ninyo, ipinagpauna ko ng sabihin ito sa inyo. 26 Kaya kapag pagsinasabi nila sa inyo, ‘Tingnan ninyo, ang Cristo ay nasa sa ilang’, huwag kayong pumunta sa ilang. O, ‘Tingnan ninyo, siya ay nasa loobang silid, huwag ninyong paniwalaan ito. 27 Sapagkat katulad ng pagliwanag ng kidlat galing sa silangan at pagkislap nito sa kanluran, ganoon din ang pagdating ng Anak ng Tao. 28 Kung saan man naroroon ang patay na hayop, doon din magtitipon ang mga buwitre.

Hindi tayo dapat linlangin ng mga bulaang propeta sa mga huling araw at dapat tayong maniwala na si Jesus ang Kristo. ( 2 Tesalonica 2:1-8 )

2 Tesalonica 2:1 Ngayon tungkol sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa ating pagtitipon nang sama-sama upang makasama niya: hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, 2 na huwag kaagad kayong mabalisa o mabahala, maging sa pamamagitan ng espiritu, ng mensahe, o ng sulat na parang nagmula sa amin, na para bang ang araw ng Panginoon ay dumating na. 3 Huwag ninyong hayaan na kayo ay malinlang sa kahit na anong paraan. Sapagkat hindi ito darating hanggang sa mangyari ang pagbagsak at ang taong suwail ay maihayag, ang anak ng pagkawasak. 4 Siya ang kakalaban at itataas ang kaniyang sarili laban sa lahat ng tinatawag na Diyos o sa mga sinasamba. Bilang resulta, siya ay uupo sa templo ng Diyos at itatanghal ang sarili bilang Diyos. 5 Hindi ba ninyo naalala na noong kasama ninyo ako ay sinabi ko ang mga bagay na ito? 6 Ngayon alam na ninyo kung ano ang pumipigil sa kaniya, upang siya ay maihayag sa tamang panahon lamang. 7 Sapagkat ang hiwaga ng kawalan ng batas ay kumikilos na, may isa lamang na pumipigil sa kaniya ngayon hanggang sa siya ay maalis. 8 Pagkatapos ang taong suwail ay maihahayag, na siyang papatayin ng ating Panginoong Jesus sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang bibig. Dadalhin siya sa kawalan ng ating Panginoon sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagdating.