Aw 118:22-23, Mt 21:42-44, Gawa 4:11-12, Rom 9:30-33, 1 Pt 2:4-8

Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos na aalisin Niya ang mga kasalanan ng lupa sa pamamagitan ng isang bato. (Zac 3:9, Awit 118:22)

Zac 3:9 Ngayon tingnan ninyo ang bato na inilagay ko sa harapan ni Josue. Mayroong pitong tapyas sa isang batong ito, at uukitan ko ng isang tatak — ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo—at aalisin ko ang kasalanan ng lupaing ito sa loob ng isang araw.

Awit 118:22 Ang bato na tinanggihan ng mga nagtayo ay naging panulukang bato.

Sinabi ni Jesus na ang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo, gaya ng ipinropesiya sa Lumang Tipan, ang hahatol sa mga tao. ( Mat 21:42-44 )

Mat 21:42 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa sa mga kasulatan, ‘Ang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ay naging batong panulukan. Ito ay galing sa Panginoon, at ito ay kamanghamangha sa ating mga mata.’ 43 Kaya sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin niya sa inyo at ibibigay sa ibang bansa na mag-aalaga sa mga bunga nito. 44 Ang sinumang babagsak sa batong ito ay mababasag ng pirapiraso. At kung kanino man ito babagsak, madudurog siya.”

Si Jesus ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo na hinulaan sa Lumang Tipan. Sa pamamagitan lamang ni Hesus tayo maliligtas. (Mga Gawa 4:11-12, Roma 9:30-33, 1 Pedro 2:4-8)

Mga Gawa 4:11 Si Jesu-Cristo ang bato na itinakwil ninyo, bilang mga tagapagtayo, ngunit siya pa rin ang ginawang pangunahing batong panulukan. 12 Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas.”

Roma 9:30 Kung gayon, ano sasabihin natin? Na ang mga Gentil na hindi nagsisikap para sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya. 31 Ngunit ang Israel, na nagsikap ng katuwiran sa kautusan ay hindi nagkamit nito. 32 Bakit hindi? Dahil hindi nila ito sinikap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi sa pamamagitan ng mga gawa. Natisod sila sa batong katitisuran, 33 gaya ng nasusulat, “Tingnan ninyo, naglagay ako sa Sion ng batong katitisuran at malaking batong kadadapaan. Ang sinumang manampalataya rito ay hindi mapapahiya.”

1 Pedro 2:4 Lumapit kayo sa kaniya na siyang buhay na bato na tinanggihan ng mga tao, pero pinili ng Diyos at natatangi sa kaniya. 5 Tulad kayo ng buhay na mga bato na kasalukuyang binubuo upang maging espiritwal na tahanan, upang maging banal na mga pari na naghahandog ng espiritwal na mga alay na katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu Cristo. 6 Sinasabi ng kasulatan, “Masdan ninyo, inilatag ko sa Sion ang isang panulukang bato, pinuno at pinili at mahalaga. Sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.” 7 Kaya ang karangalan ay para sa inyo na nananampalataya. Pero, “ang bato na tinanggihan ng mga manggagawa, ito ang naging puno sa panulukan”— 8 at, “ang batong katitisuran at ang batong kadarapaan.” Madarapa sila sa hindi pagsunod sa salita, kung saan sila rin ay itinalaga.