Lev 10:3, Deut 4:7, Aw 73:28, Isa 29:13, Mt 27:50-51, Jn 14:6, Heb 7:19

Dapat tayong lumapit sa Diyos. Iyan ay isang pagpapala para sa atin. (Santiago 4:8, Jer 10:3, Deut 4:7, Aw 73:28)

Santiago 4:8 Lumapit kayo sa Diyos, at siya ay lalapit sa inyo. Linisin ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan, at gawing dalisay ang inyong mga puso, kayong mga nagdadalawang-isip.

Jer 10:3 Sapagkat walang kabuluhan ang mga kaugalian ng mga tao. Sapagkat may pumuputol ng punong kahoy sa kagubatan. Ang mga kamay ng manlililok ang gumagawa nito sa pamamagitan ng palakol.

Deut 4:7 Dahil ano pang napakalaking bansa na mayroong isang diyos na malapit sa kanila, gaya ni Yahweh na ating Diyos na kapag siya ay ating tatawagin?

Aw 73:28 Pero para sa akin, ang kailangan ko lang gawin ay lumapit sa Diyos. Ginawa kong kublihan si Yahweh na aking Panginoon. Ipahahayag ko ang lahat ng iyong mga gawa.

Hindi alam ng mga tao kung paano lalapit sa Diyos. Sinubukan lamang ng mga tao na lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga utos ng tao. ( Isa 29:13 )

Isa 29:13 Sinabi ng Panginoon, “Ang bayang ito ay lumalapit sa akin gamit ang kanilang bibig at pinararangalan ako gamit ang kanilang mga labi, pero malayo ang kanilang puso sa akin. Ang pagpaparangal nila sa akin ay isang kautusan na itinuro ng mga tao.

Si Hesus ang tanging paraan upang ang tao ay mapalapit sa Diyos. Binuksan niya ang daan upang makilala ang Diyos sa pamamagitan ng pagkamatay ni Hesus para sa atin sa krus. (Mt 27;50-51, Jn 14:6, Heb 7:19)

Mt 27:50 Pagkatapos nito muling sumigaw si Jesus na may malakas na tinig at isinuko ang kaniyang espiritu. 51 Masdan ito, ang kurtina sa templo ay nahati sa dalawa mula itaas hanggang sa baba. At ang mundo ay nayanig, at ang mga bato ay nahati.

Jn 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.

Heb 7:19 Sapagkat ang kautusan ay walang ginawang ganap. Gayunpaman, mayroong mas mabuting pag-asa para sa hinaharap kung saan lumalapit tayo sa Diyos.