Rom 13:11, Heb 11:35-39, 1 Cor 16:22, Rev 22:20

Maaari tayong magdusa kapag ipinahayag natin na si Jesus ang Kristo. Dapat nating tiisin ang paghihirap na ito hanggang sa dumating ang Panginoon. (Santiago 5:7-11)

Santiago 5:7-11 Kaya maging matiyaga, mga kapatid, hanggang sa pagdating ng Panginoon, katulad ng magsasaka na naghihintay ng mahalagang ani ng lupa, Matiyagang naghihintay dito, hangang sa una at huling pagbuhos ng ulan. 8 Kayo rin ay maging matiyaga; ayusin ninyo ang inyong mga puso, dahil ang pagdating ng Panginoon ay malapit na. 9 Huwag magreklamo, mga kapatid, laban sa isa’t-isa upang kayo ay hindi mahatulan. Tingnan ninyo, ang hukom ay nakatayo sa pintuan. 10 Bilang isang halimbawa, mga kapatid, ituring ninyo ang mga pagdurusa at pagtitiyaga ng mga propeta na nagsalita sa pangalan ng Panginoon. 11 Tingnan ninyo, tinatawag namin ang mga nagtitiyaga, na “pinagpala.” Narinig ninyo ang pagtitiis ni Job, at alam ninyo ang layunin ng Panginoon para kay Job, kung paano ang Panginoon ay puno ng kahabagan at awa.

Ang mga ninuno ng pananampalataya sa Lumang Tipan ay dumanas ng pag-uusig dahil sila ay naniwala at nangaral sa darating na Kristo. Ngunit tiniis nila ang pag-uusig hanggang sa kamatayan. ( Heb 11:35-39 )

Heb 11:35 Tinanggap ng mga kababaihan ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay. Ang iba ay pinahirapan, ng hindi tinatanggap ang kanilang paglaya upang maranasan nila ang mas mainam na muling pagkabuhay. 36 Ang iba ay nagdusa ng pangaalipusta, at paghampas, oo, kahit ng mga kadena at pagkakulong. 37 Kung saan binato sila. Nilagari sila sa dalawa. Pinatay sila sa pamamagitan ng espada. Sila ay namuhay na nakadamit ng balat ng mga tupa at balat ng mga kambing na hirap na hirap, nagpakasakit at pinagmalupitan, 38 ( Sila na hindi karapat-dapat sa mundo), naglibot sa ilang, sa mga kabundukan, sa mga kuweba at sa mga butas sa lupa. 39 Bagamat ang lahat ng mga taong ito ay pinagtibay ng Diyos dahil sa kanilang pananampalataya, hindi nila natanggap ang anumang kaniyang ipinangako.

Ngayon ang araw ng pagbabalik ng Panginoon ay malapit na. Mas dapat nating mahalin ang Panginoon. (Rom 13:11, 1 Cor 16:22, Rev 22:20)

Rom 13:11 Dahil dito, nalalaman niyo ang oras, na ito na ang oras upang kayo ay magising mula sa inyong pagkakatulog. Sapagkat ngayon, ang ating kaligtasan ay mas malapit na kaysa noong una tayong nanampalataya.

1 Cor 16:22 Kung sinuman ang hindi umiibig sa Panginoon, sumakaniya ang sumpa. Aming Panginoon, pumarito ka na!

Rev 22:20 Siyang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay sinasabi, “Oo! Malapit na akong dumating.” Amen! Halika, Panginoong Jesus!