Deut 6:7, 20-25, 2 Tim 3:14-15, Gawa 5:42

Sa Lumang Tipan, inutusan ng Diyos ang mga Israelita na ituro sa kanilang mga anak ang ginawa ng Diyos. (Deuteronomio 4:9-10, Deuteronomio 6:7,20-25)

Deuteronomio 4:9 Bigyang pansin lamang at bantayang maigi ang inyong sarili, nang sa gayon ay hindi ninyo malimutan ang mga bagay na nakita ng inyong mga mata, nang sa gayon hindi mawala sa inyong puso ang mga ito sa bawat araw ng inyong buhay. Sa halip, ipaalam ang mga ito sa inyong mga anak at sa kanilang magiging mga anak— 10 sa araw na kayo ay tumayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa Horeb, nang sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Tipunin mo ang mamamayan, at ipaparinig ko sa kanila ang aking mga salita, na maaaring nilang matutunang matakot sa akin sa lahat ng mga araw na sila ay nabubuhay sa mundo, at nang ito ay maaari nilang ituro sa kanilang mga anak.’

Deuteronomio 6:7 at matiyaga ninyong ituturo ang mga ito sa inyong mga anak; pag-uusapan ninyo ang mga ito kung kayo ay nakaupo sa inyong bahay, kapag naglalakad kayo sa daan, kapag kayo ay nakahiga, at kapag kayo ay babangon.
20 Kung tatanungin kayo ng inyong mga anak pagdating ng panahon, sa pagsasabing, ‘Anong ibig sabihin sa mga bagay na ito—ang tipan ng mga kautusan, ang mga batas, at ang ibang mga kautusan na iniutos ni Yahweh na ating Diyos?’ 21 pagkatapos sasabihin ninyo sa inyong mga anak, ‘Kami ay naging mga alipin ng Paraon sa Ehipto; dinala kami ni Yahweh palabas sa Ehipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, 22 at nagpakita siya ng mga tanda at kamangha-manghang bagay, dakila at malubha, sa Ehipto, kay Paraon, at sa kaniyang buong sambahayan, sa harap ng ating mga mata; 23 at dinala niya tayo palabas mula roon, para madala niya tayo sa loob, para ibigay sa atin ang lupain na kaniyang ipinangako sa ating mga ama. 24 Inutusan tayo ni Yahweh na palaging sundin ang lahat ng mga batas na ito, na matakot sa kaniya na ating Diyos para sa ating kabutihan, para mapanatili niya tayong buhay, tulad ngayon. 25 Kung ating susundin ang lahat ng mga utos na ito sa harapan ni Yahweh na ating Diyos, ayon sa mga iniutos sa atin, ito ay magiging katuwiran natin.’

Dapat nating palaging ituro at ipangaral na si Hesus ang Kristo sa pamamagitan ng Luma at Bagong Tipan. ( 2 Timoteo 3:14-15, Gawa 5:42 )

2 Timoteo 3:14 Ngunit para sa iyo, manatili ka sa mga bagay na iyong natutunan at matibay mong pinaniniwalaan. Alam mo kung kanino ka natuto. 15 Alam mo na mula sa iyong kabataan nalaman mo na ang sagradong kasulatan. Ang mga ito ang nagbibigay karunungan sa iyo para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

Gawa 5:42 Pagkatapos noon araw-araw sa templo at sa bawat bahay, sila ay patuloy na nagtuturo at ipinapangaral si Jesus bilang Cristo.