Deut 3:20, Deut 25:19, Heb 4:8-9, Heb 6:17-20

Sa Lumang Tipan, ipinangako ng Diyos na bibigyan niya ng kapahingahan ang mga Israelita na papasok sa lupain ng Canaan. (Jos 1:13, Deu 3:20, Deu 25:19)

Jos 1:13 “Alalahanin ang salitang iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh nang sinabi niyang, ‘Binibigyan kayo ng pahinga ni Yahweh na inyong Diyos, at ibinibigay niya sa inyo ang lupaing ito.’

Deut 3:20 hanggang si Yahweh ay magbigay ng kapahingahan sa inyong mga kapatid, gaya ng ginawa niya sa inyo, hanggang sa maging pag-aari na din nila ang lupain na ibibigay sa kanila ni Yahweh na inyong Diyos sa ibayo ng Jordan; pagkatapos ay babalik kayo, bawat isa sa inyo, sa mga sarili ninyong pag-aari na ibinigay ko sa inyo.’

Deut 25:19 Kaya, kapag binigyan kayo ni Yahweh na inyong Diyos ng pahinga mula sa lahat ng inyong mga kaaway na nakapalibot, sa lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyo para angkinin bilang isang pamana, hindi dapat ninyo kalimutan na dapat ninyong pawiin ang alaala ng taga-Amalek mula sa silong ng langit.

Ang kapahingahang ibinigay ng Diyos sa mga Israelita sa Lumang Tipan ay hindi isang perpekto at walang hanggang kapahingahan. ( Heb 4:8-9 )

Heb 4:8 Kung naibigay na ni Joshua sa kanila ang kapahingahan, hindi na magsasalita ang Diyos tungkol sa ibang araw. 9 Kaya, mayroon pa ring isang Araw ng Pamamahinga na nakalaan sa mga tao ng Diyos.

Binigyan tayo ng Diyos ng ganap at walang hanggang kapahingahan sa pamamagitan ni Hesus, ang Kristo. ( Heb 6:17-20 )

Heb 6:17 Nang nagpasya ang Diyos na ipakita ng mas malinaw sa mga tagapagmana ng pangako ang hindi nagbabagong katangian ng kaniyang layunin, tiniyak niya ito ng may panunumpa. 18 Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng dalawang bagay na hindi nababago, na kung saan hindi maaaring magsinungaling ang Diyos, tayo na nagsitakas para magpakupkop ay magkaroon ng matatag na lakas ng loob upang matibay na panghawakan ang pagtitiwala na inilagay sa ating harapan. 19 Mayroon tayo nitong pagtitiwala bilang matatag at maaasahan na angkla ng ating mga kaluluwa, ang pagtitiwala na pumapasok sa dakong loob sa likod ng tabing. 20 Pumasok si Jesus sa dakong iyon bilang tagapanguna para sa atin, at naging pinaka-punongpari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec.