Lc 1:31-33, Gawa 2:29-32, Gawa 13:22-23

Sa Lumang Tipan, binanggit ng Diyos ang pagdating ni Kristo, ang walang hanggang Hari, bilang isang inapo ni David. ( 2 Samuel 7:12-13 )

2 Samuel 7:12 Kapag ang iyong mga araw ay natupad na at mamahinga kasama ng iyong mga ama, magtatatag ako ng isang kaapu-apuhan kasunod mo, isa na manggagaling sa iyong katawan, at itatatag ko ang kaniyang kaharian. 13 Gagawa siya ng isang tahanan para sa aking pangalan, at itatatag ko ang trono ng kaniyang kaharian magpakailanman.

Gaya ng ipinropesiya ng Lumang Tipan, si Kristo, ang walang hanggang Hari, ay dumating bilang isang inapo ni David. Na si Kristo ay si Hesus. (Lucas 1:31-33, Gawa 2:29-32, Gawa 13:22-23)

Lucas 1:31 At makikita mo, ikaw ay magbubuntis sa iyong sinapupunan at magsisilang ng isang anak na lalaki. Tatawagin mo ang kaniyang pangalan na ‘Jesus’. 32 Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ang Panginoong Diyos ang magbibigay sa kaniya ng trono ng kaniyang ninunong si David. 33 Siya ay maghahari sa mga angkan ni Jacob magpakailanman, at walang katapusan ang kaniyang kaharian.”

Gawa 2:29 Mga kapatid, kaya kong magsalita sa inyo ng may katiyakan tungkol sa patriarkang si David: namatay siya at inilibing, at ang kaniyang libingan ay nasa atin hanggang sa ngayon. 30 Kaya naman, siya ay isang propeta at alam niya na may sinumpaang panata ang Diyos sa kaniya, na itinalaga niya sa kaniyang kaapu-apuhan ang maupo sa kaniyang trono. 31 Nahulaan niya na ito at nagsalita tungkol sa pagkabuhay ni Cristo, Na hindi siya pinabayaan doon sa hades, o ang kanyang laman ay makitang mabulok.’ 32 Ang Jesus na ito ay binuhay ng Diyos kung saan saksi kaming lahat.

Gawa 13:22 Nang matapos siyang alisin ng Diyos sa pagiging hari, hinirang niya si David upang maging kanilang hari. Sinabi ito ng Diyos tungkol kay David, ‘Natagpuan ko si David na anak ni Jesse isang lalaking malapit sa aking puso, gagawin niya ang lahat ng aking naisin.’ 23 Mula sa kaapu-apuhan ng lalaking ito ay dinala ng Diyos sa Israel ang isang tagapagligtas na si Jesus, katulad ng kaniyang ipinangakong gagawin.