Mt 8:2-3, Lc 17:12-14

Sa Lumang Tipan, pinagaling ng propetang si Eliseo ang ketong ni Heneral Naaman. ( 2 Mga Hari 5:3, 14 )

2 Mga Hari 5:3 Sinabi ng dalaga sa kaniyang madrasta, “Sana kasama ng amo ko ang propeta na nasa Samaria! Tiyak pagagalingin niya ang ketong ng panginoon ko.”
14 Kaya nagpunta siya at lumublob ng pitong beses sa Jordan bilang pagsunod sa mga tagubilin ng lingkod ng Diyos. Bumalik ang kaniyang kutis, tulad ng kutis ng isang maliit na bata, at siya ay gumaling.

Ang tunay na propetang si Jesus ay nagpagaling ng mga ketongin. ( Mateo 8:2-3, Lucas 17:12-14 )

Mateo 8:2 Masdan ito, isang lalaking may ketong ang lumapit at lumuhod sa kaniya na nagsasabi, “Panginoon, kung iyong nais, maaari mo akong gawing malinis.” 3 Inabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya na nagsasabin, “Nais ko. Maging malinis ka.” Agad siyang nalinis sa kaniyang ketong.

Lucas 17:12 At sa kaniyang pagpasok sa isang nayon, doon ay sinalubong siya ng sampung lalaking ketongin. Tumayo sila nang malayo sa kaniya 13 at nilakasan nila ang kanilang tinig, sinasabi, “Jesus, Amo, maawa ka sa amin.” 14 Nang makita niya sila, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo at ipakita ninyo ang inyong mga sarili sa mga pari.” At nangyari nga na habang sila ay papunta, sila ay nalinisan.