Isa 10:5-6, Isa 40:21, Isa 41:1-4, Isa 45:7, Amos 9:7

Ginagawa ng Diyos ang lahat ayon sa Kanyang kalooban. Ang mundo ay gumagalaw sa ilalim ng soberanya ng Diyos.

2 Mga Hari 19:25 Hindi mo pa ba naririnig kung paano ko ito itinakda noon pa man, at ginawa ito noong sinaunang panahon? Ngayon ay tinutupad ko na ito. Narito ka para tibagin ang matitibay na lungsod at maging tumpok ng mga durog na bato.

Isa 10:5 Anong kapighatian ang nakalaan sa mga taga-Asiria, ang pamalo ng aking galit, ang pamalo ng aking poot! 6 Ipapadala ko siya laban sa isang mayabang na bansa at laban sa mga taong pasan ang nag-uumapaw kong poot. Inutusan ko siyang samsamin ang mga kayamanan, para kunin ang biktima, at para apakan sila tulad ng mga putik sa mga lansangan.

Isa 40:21 Hindi niyo ba nalaman? Hindi niyo ba narinig? Hindi ba nasabi sa inyo ito mula simula? Hindi niyo ba nauunawaan mula sa mga pundasyon ng mundo?

Isa 41:1 Sa aking harapan ay makinig kayo nang tahimik, kayong mga nakatira sa baybayin; hayaan niyong bumalik ang lakas ng mga bansa; hayaan silang lumapit at magsalita; hayaan tayong magkasamang lumapit para pag-usapan ang hindi pagkakaunawaan. 2 Sinong nagbuyo ng isang ito sa silangan? Sino ang tumatawag sa kaniya sa mabuting kaayusan sa kaniyang paglilingkod? Siya ang nagbigay ng mga bansa sa kaniya at ginawa siyang may kakayahan na pasukuin ang mga hari; sila ay ginawang tulad ng alikabok sa kaniyang espada, parang hinipang pinaggapasan gamit ang palaso. 3 Hinabol niya sila at ligtas na nakalagpas, sa isang matuling paglalakbay na ang daan na ang kaniyang paa ay madaling matapakan. 4 Sino ang nakagawa at nagtupad ng mga gawang ito? Sino ang nagpatawag ng mga henerasyon mula sa simula? Ako, si Yahweh, ang una, at kasama ang mga nahuli, ako ay siya.

Isa 45:7 Ako ang lumikha ng liwanag at dilim; Ako ang nagbibigay ng kapayapaan at lumilikha ng kapahamakan; Ako si Yahweh, na gumagawa ng lahat ng bagay na ito.

Amos 9:7 “Hindi ba tulad kayo ng mga tao ng Etiopia sa akin, mga tao ng Israel? —ito ang pahayag ni Yahweh. Hindi ba ako ang nagpalabas sa Israel mula sa lupain ng Egipto, ang mga Filisteo mula sa Caftor, at ang mga Aramean mula sa Kir?