2 Cro 20:20, Aw 125:1, Jn 14:6, 1 Cor 1:24

Ang Diyos ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga bumaling sa Kanya nang buong puso. (2 Mga Cronica 16:9, 2 Mga Cronica 20:20, Aw 125:1)

2 Mga Cronica 16:9 Sapagkat nagmamasid si Yahweh sa lahat ng dako ng mundo upang ipakita niya ang kaniyang kapangyarihan sa ngalan ng mga buong pusong nagtitiwala sa kaniya. Ngunit ikaw ay naging hangal sa mga bagay na ito. Mula ngayon, makakaranas ka ng digmaan.”

2 Mga Cronica 20:20 Kinabukasan, maaga pa lamang ay gumising na sila at lumabas patungo sa disyerto ng Tekoa. Sa kanilang pag-alis, si Jehoshafat ay tumayo at nagsabi, “Makinig kayo sa akin, Juda, at kayo na mga naninirahan sa Jeruslaem! Magtiwala kayo kay Yahweh, ang inyong Diyos, at kayo ay tutulungan. Magtiwala kayo sa kaniyang mga propeta, at kayo ay magtatagumpay.”

Aw 125:1 Silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay tulad ng bundok ng Sion, hindi matitinag, at mananatili magpakailanman.

Si Jesus, ang Kristo, ang daan upang makilala ang Diyos at ang kapangyarihan ng Diyos. ( Juan 14:6, 1 Corinto 1:24 )

Juan 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.

1 Corinto 1:24 Ngunit sa lahat ng mga tinawag ng Diyos, maging Judio at Griyego, ipinapangaral namin na si Cristo ang kapangyarihan at ang karunungan ng Diyos.